Survivor Melbourne

Tuesday, March 01, 2005

Suvivor Melbourne Episode One

Passengers for flight CX 135 bound for Melbourne, proceed to Gate 6 for boarding...

Hay, salamat! anong petsa na at anim na oras ako sa Hong Kong airport! nasaulo ko na nga yung mga stores dun sa kakaikot at alam ko na kung san mga free email access! grabe... salamat at makakaalis na ako sa lugar na amoy canton!

so, i left Pinas last sunday for melbourne. ang saya pero di ko alam di yata nag-sisink in sa akin na 1 year ako dito! parang feeling two weeks lang at puwde na me umuwi... pero ang namimiss ko, yung extra challenge! hehehehe :)

buti na ang at may mountain dew dito at solve na ako... feeling pinas... kaya lang, mahal pala! uminom ako ng tubig a alam nyo ba, isang mineral water na 9 pesos sa atin, 70 pesos dito! grabe! pinipigilan ko ngang mauhaw at magutom kasi ang mahal! (sana naman ay pumayat ako!)

so, pagdating ko ng airport, of course, wlang sumundo sa akin dahil nalate din yung email ko sa airport reception service nila dito... hay.... so tawag ako sa university and grabe! di ko maintindihan kausap ko sa phone at lagi akong paulit nang paulit... kasi naman di ko alam kung nakakain nun yung dila pag nagsasalita! pero nagkaintindihan din kami at pinasundo ako ng BMW! dumating na me sa temporary shelter ko kasi bakasyon pa yung talagang titiran ko...
am staying sa mag-asawang pinoy, from UPLB yung babae and ang bait nila... baka next week, lilipat na ako...

hay... first day of class, ok naman... orientation lang at introductions! well, nabubulol pa ako kasi nahihiya ako and intimidated! slight lang... kasi puro sila doktor at nurses! grabe.... ako lang ang soc sci background! yung isang kaklase ko naman, di nga health prof pero lawyer naman! anovayan! pero ok lang... kaya ko ito!!! (sana...)

then, second class... ok naman... at least na survive ko yung pagbyahe at paggamit ng tram! ang mahal lang ng pamasahe.. kasi for five days ang binayan ko, 1K na! ang mahal! hay naku... minsan iniisip ko na mag ret ng bike para mura! hitting two birds with one stone pa - tipid sa pamasehe and exercise pa. kaya ang kailangan kong pag-aaral ang daan dito kasi right-hand drive sila! kaya ko naman siguro yun...???

tapos, pinasyal ako ng aking mga kasama sa bahay until 8:30 pm... at amazing! may araw pa! mga 9pm pa gabi dito! sobra! at ang tao, tubig na nila yung beer, ang daming nagkalat na ber sa daan! inuman lahat ng tao, wala yata silang ginagawa! sarap ng buhay nila....

ngayon wala akong klase.... mondays and wednesdays, wala akong class so puwede akong maki chika! pag t, th, and fri, Full ako! as in till 7 pm! 3 hours ahead dito so pag may gusto mag chat, dito ako ng mon and wed morning mga 12 noon dito, so 9 am dyan...

sige po.. medyo pagod na me.. at abangan ang mga susunod pang kabanata ng aking buhay dito sa land of koalas and kangaroos....

Virginia! :)